Di ko alam bakit after ng break ups, someone WINS then someone LOSES. Is it really meant for someone to get hurt that much? Considering nagmahal lang naman siya di ba?
After the break up, one party will definitely say na, let’s be friends nalang. Sounding alright but the thing here isn’t that easy. Bakit siya ba yung nasaktan? Siya ba yung nagsusuffer? And siya ba yung nakaka feel ng pain na nararanasan mo? And last thing, mas mahal niya ba ako?
Syempre siya naman todo care daw. Thinking na you’ll be fine at that very moment. Support kasi pambawi kumbaga sa pakikipag break niya sa yo. Does that mean na kapag ginawa niya yon lalambot puso mo sa ginawa nya sa yo?
Move on sabi nga nila. Pero gaano ba kadali yon? Yung ibaling sa iba ang attention mo but still when you’re left alone, your good memories flash backs. Yung tipong hihiga ka na lang sa kama mo, saka mo maiisip mga kulitan moments niyo sa kama mo. Yung mga ginawa niya para sayo.
Hirap kasi sa mga ibang tao jan, gagawa ng mga bagay na hindi naman kayang panindigan! Magsasabe ng mga salitang hindi naman mapatunayan. Less talk, less mistake sabi nga nila. But wait there’s more. Be wise when it comes to love na nga dapat eh. Dapat kaw na yung matalino para hindi ikaw yung matalo sa game of love. Makakatulong din siguro yung paminsan minsang pag ppractice sa ibang tao para maramdaman mo naman pano manalo at baka sakaling sa pagbalik niya, ikaw naman ang panalo!